^

PSN Palaro

Martinez magiging hadlang sa Mayweather-Pacquiao fight

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Hindi lamang ang mga kondisyon na ipinukol ni Floyd Mayweather Jr. ang naglalagay sa alanganin sa hangaring magkasukatan ang walang talong US boxer at ang Pambansang kamao Manny Pacquiao.

Nakisama na rin si WBC junior welterweight at middleweight champion Sergio Martinez sa posibleng pumigil sa ina­asahang mega-fight sa pagitan ng dalawang hi­nirang na pound for pound champion.

Sa panayam ni Mike Juhas ng Fighthype, si­nabi ni Martinez ang kahandaan na labanan si Mayweather bago matapos ang taong 2010.

Magaganap ang labang ito matapos ihayag ni Kelly Pavlik na hindi na siya interesadong gamitin pa ang rematch clause na kaakibat ng magkita sila ni Martinez nitong Abril 17.

Si Pavlik ang inaga­wan ng WBC at WBO mid­dleweight title ng tubong Argentina na si Martinez matapos iukit ang unanimous decision na panalo.

“Now that Pavlik is not exercising his rematch clause, I’m open to whomever HBO desires. I would love the challenge of fighting Mayweather next,” wika ni Martinez.

Tiyak namang hindi tututol ang HBO sa laban kontra kay Mayweather lalo nga’t kilala ang US bo­­xer sa kanyang kaka­ya­han na humatak ng ma­­nonood.

Sa huling laban nito kontra kay Sugar Shane Mosley ay pumalo sa $1.4 million ang Pay Per View buys ng laban upang mapantayan ang pagtatapat nina Oscar De La Hoya at Felix Trinidad noong 19­99 upang malagay sa pangalawang puwesto sa pinakamataas na kinita sa PPV sa laban na idinaos sa labas ng heavyweight di­vision.

Bukas si Martinez na harapin si Mayweather mu­la sa 154 hanggang sa 160 pounds at hahayaan niya ang huli na mamili kung anong dibisyon sila maglalaban.

Hinihingi ng mahihilig sa boxing na magkatapat sina Mayweather at Pacquiao upang malaman kung sino ang tunay na pound for pound champion.

Bagamat gusto din ni Mayweather na makaha­rap si Pacquiao, kailangan naman munang sumailalim sa randon blood testing ang Pambansang kamao bagay na hindi gustong ga­win ni Pacquiao.

vuukle comment

FELIX TRINIDAD

FLOYD MAYWEATHER JR.

KELLY PAVLIK

MAYWEATHER

MIKE JUHAS

OSCAR DE LA HOYA

PACQUIAO

PAMBANSANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with