^

PSN Palaro

'Values' sa sports pinahahalagahan ni Puno

-

MANILA, Philippines - Apat na bagay ang bi­nanggit ni Chief Justice Reynato Puno na naging sandata ng unang grupo ng mga atleta at koponan na iniluklok sa 2010 Philippine Sports Hall of Fame kamakalawa ng gabi sa Ma­ynila Hall ng Manila Hotel.

“Discipline, teamwork, sportsmanship and a ne­ver say die attitude just as these four virtues have shown success for our country’s greatest athle­tes so can they drive our country triumphantly to higher development and progress,” ani Puno sa kanyang 15-minute speech.

Ayon kay Puno, ang mga bagay na ito ang si­yang makakatulong sa bawat Filipino para sa pag­kakaroon ng malakas na republika.

“It is thus necessary and crucial to integrate these values into our efforts of building our nation,” wika ni Puno.

Ang mga iniluklok ay sina boxing greats Gabriel “Flash” Elorde, Francisco “Pancho Villa” Guilledo at Ceferino Garcia at Olympic heroes Jose “Cely” Vi­llanueva at ang anak nitong si Anthony, sina Teo­filo Yldefonso, Si­meon Toribio, Miguel White at Caloy Loyzaga at ang na­tional cagers na tumapos na ikatlo sa World Championship sa Rio de Janeiro, Brazil.

Dumalo ang tatlong mi­yembro ng basketball team na sina Antonio Ge­nato, Florentino Bautista at Napoleon Flores.

Inorganisa nina Philippine Sports Commission chairman Harry Angping at Art Macapagal ng Phi­lip­pine Olympians Association ang Hall of Fame awards mula sa Republic Act 8757 na inakda nina Sen. Robert Jaworski at Cebu Rep. Eduardo Gullas at naging batas noong Nobyembre ng 1999.

Sinabi pa ni Puno na ang mga sports heroes na iniluklok ay magsisilbing ins­pirasyon sa mga batang atleta na magpursige sa ka­ni-kanilang larangan.  

ANTONIO GE

ART MACAPAGAL

CALOY LOYZAGA

CEBU REP

CEFERINO GARCIA

CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

EDUARDO GULLAS

FLORENTINO BAUTISTA

PUNO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with