^

PSN Palaro

Torres nangamote sa 2010 World Indoor Athletics C'ships

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nangapa si Marestella Torres sa pormang naghatid sa kan­ya sa tagumpay sa malala­king torneo noong nakaraang taon nang hindi makitaan ng ma­gandang resulta sa paglahok sa 2010 World Indoor Athle­tics Championships sa Doha Qa­tar.

Unang pagkakataon ni Torres na masali sa isang Indoor Championships at pumasok sa laban buhat sa matagumpay na kampanya sa Laos SEA Ga­mes nang basagin niya ang SEAG at RP record sa long jump sa naitalang 6.68 meter marka.

Ngunit ang mahabang ba­kasyon ay ininda ng 29 anyos na si Torres dahil ang naitalang pinakamagandang lundag sa tatlong qualifying jumps para ma­pasok sa final eight ay nalagay lamang sa 6.06 meters.

Ang nauna at huling lundag nga ni Torres ay hindi nga pumasok sa 6-meter marka dahil nagrehistro lamang ito ng 5.75m at 5.89m.

Umabot sa 19 bansa at 21 atleta ang lumahok sa torneo at nalagay si Torres sa 19th at 20th place kasama ni C.D. Priyadharshani Nawanage na mayroon ding katulad na marka ng SEAG champion.

Nangulelat naman si Janice Josephs ng Saudi Arabia sa 6.02 metro habang hindi na sumali ang isa pang entrada ng Brazil na si Eliane Martins.

Wala namang epekto ito sa gagawing paghahanda ni Torres, isa sa pinarangalan bi­lang Athlete of the Year ng PSA, para sa Asian Games da­hil sasabak nga ito sa anim na buwang pagsasanay mula Abril sa Germany.

 Magkatuwang ang PATAFA at PSC upang maisagawa ang intensibong training ni Torres na maghahangad na mawakasan din ang 24 na taong pagkauhaw ng Pilipinas na gintong medalya sa tuwing apat na taong kompetisyon.

 Si Lydia De Vega-Mercado ang huling manlalaro sa athle­tics na nakapag-uwi ng ginto na nangyari noon pang 1986 sa Seoul, Korea sa larangan ng 100m dash.

ASIAN GAMES

ATHLETE OF THE YEAR

DOHA QA

ELIANE MARTINS

INDOOR CHAMPIONSHIPS

JANICE JOSEPHS

MARESTELLA TORRES

PRIYADHARSHANI NAWANAGE

SAUDI ARABIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with