Davison, van sickle magpupuksaan

MANILA, Philippines — Mula sa Cebu City ay babalik ang mga aksyon ng 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab leg sa Metro Manila.
Lalabanan ng PLDT ang Nxled sa alas-6 ng gabi matapos ang salpukan ng Farm Fresh at Galeries Tower sa ala-1 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Sa pagbubukas ng toneo noong Sabado ay winalis ng Creamline ang Akari, 25-18, 25-21, 25-18, habang tinakasan ng Choco Mucho ang nagpalakas na Capital1 Solar Energy, 22-25, 18-25, 25-17, 25-20, 15-8, sa SM Seaside Cebu Arena sa Cebu City.
Inaasahang magiging eksplosibo ang banggaan nina Fil-Canadian Savi Davison ng High Speed Hitters at ng nagbabalik na si Fil-American Brooke Van Sickle ng Chameleons.
Hindi naglaro si Van Sickle dahil sa minor shoulder injury sa mga nakaraang PVL On Tour at PVL Invitational Conference na pinagreynahan ng guest team ESL Cola ng Thailand.
Muling makakatuwang ni Davison para sa PLDT sina Kim Kianna Dy, Majoy Baron, Mika Reyes, Alleiah Malaluan, setter Kim Fajardo at libero Kath Arado.
Susuporta naman kay Van Sickle sa Nxled sina Myla Pablo, MJ Phillip, Jonah Escamillan, Jovelyn Fernandez, Jackie Acuña at setter Gel Cayuna.
Winalis ng ESL Cola ang Nxled, 25-22, 25-21, 25-19, para angkinin ang PVL Invitational Conference crown, habang tinalo ng PLDT ang Creamline, 25-20, 20-25, 25-21, 25-22, para sa bronze medal.
- Latest






















