^

PSN Palaro

JRU sumalo sa liderato

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
JRU sumalo sa liderato
Nagsanib puwersa sina Lawrence Mangubat at Chris Hubilla upang tulu­ngan ang Heavy Bombers na ilista ang 6-1 karta at saluhan sa tuktok ang College of Saint Benilde.
STAR / File

MANILA, Philippines — Kumapit sa tuktok sa Group A ng team standings ang Jose Rizal University matapos nilang yanigin ang Emilio Aguinaldo College, 84-74 kagabi sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa Playtime FilOil sa San Juan.

Nagsanib puwersa sina Lawrence Mangubat at Chris Hubilla upang tulu­ngan ang Heavy Bombers na ilista ang 6-1 karta at saluhan sa tuktok ang College of Saint Benilde.

Impresibo ang ipinakitang laro ni Hubilla kaya naman nahirang itong Best Player of the Game sa nirehistrong 26 points, 12 rebounds, tatlong assists at dalawang steals.

Bumakas naman si Mangubat ng 15 markers at pitong boards para sa JRU.

Manipis na dalawang puntos ang lamang ng Heavy Bombers sa unang period, 22-20, pero ikinasa ng Generals ang kanilang opensa sa second quarter kaya naagaw nila ang bentahe, 35-41 sa halftime.

Nagpasabog sa opensa ang JRU sa third canto sa pangunguna nina Hubilla, Mangubat at Jay Garupil upang maagaw ang bentahe, 58-51 papasok sa fourth quarter.

Hindi pinabayan ng Jose Rizal na mahabol sila sa payoff period kaya nanatili ang kanilang malaking lamang upang makuha ang panalo at ipatikim sa EAC ang pang limang talo sa pitong laro.

Samantala, nagwagi ang Mapua University laban sa Letran, 69-67 upang ikahon ang pang-apat na sunod na panalo upang manatili sa No. 4 spot sa Group A hawak ang 4-3 karta.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with