^

PSN Palaro

Solomon hinugot na import ng Thailand

Pilipino Star Ngayon
Solomon hinugot na import ng Thailand
Alyssa Solomon
Chris Co

MANILA, Philippines — Hinugot si Alas Pilipinas opposite spiker Alyssa Solomon para maging import sa Thailand.

Pumirma na ng kontrata si Solomon para maglaro sa Thailand Volleyball League.

Maglalaro ang dating National University standout para sa Nakhon Ratchasima 3M Films volleyball club na defending champion sa naturang Thai league.

Pormal nang inihayag ng kampo ni Solomon ang magandang balita kung saan inaasahang malaki ang maitutulong nito sa kampanya ng Nakhon Ratchasima.

Si Solomon ang ikatlong Pinay player na maglalaro para sa powerhouse Nakhon Ratchasima.

Pinakahuling naglaro sa naturang team si middle blocker Celine Domingo.

Nagsuot na rin ng Nakhon Ratchasima jersey noon si opposite spiker Mylene Paat noong 2021-2022 season.

Malalim na rin ang karanasan ni Solomon na naglaro na rin bilang import sa Japan noong nakaraang season.

Kasama si Solomon ng Osaka Marvelous sa Japan V.League bago bumalik sa Pilipinas para makasama ang Alas Pilipinas sa paghahanda sa mga international tournaments.

Naglaro si Solomon sa katatapos na 2026 Asian Games sa Nagoya, Japan.

Makailang ulit na rin itong naging Bes Opposite Spiker sa SEA V.League kasama ang Alas Pilipinas. 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with