^

PSN Palaro

‘The Sleya’ bida sa Choco Mucho

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
‘The Sleya’ bida sa Choco Mucho
Ang reaksyon ni Flying Titans  star  Eya Laure matapos makapuntos laban sa Solar Spikers.
PVL photo

MANILA, Philippines — Ipinakita ni Eya “The Sleya” Laure ang kanyang bagsik nang pamunuan ang Choco Mucho sa 22-25, 18-25, 25-17, 25-20, 15-8 pagresbak sa Capital1 Solar Energy sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence Siklab leg kahapon sa SM Seaside Cebu Arena sa Cebu City.

Kumolekta si Laure ng triple-double na 22 points, 15 excellent receptions at 11 digs para pangunahan ang dramatikong panalo ng Flying Titans sa harap ng 11,580 fans.

Nag-ambag si Cebuana star Sisi Rondina ng 12 markers kasunod ang 11 points ni Maddie Madayag.

“Pinaghirapan din talaga namin itong panalo na ito at trinabaho lang namin,” ani Laure na pumalo ng 17 attacks. “We always remind each other na we got each other’s backs. Kahit anong mangyari, tuloy lang ang laban.’

Ipinarada ng Solar Spi­­kers ang kanilang ‘Big Three’ na sina Bella Belen, Vanie Gandler at Erika Santos.

Umiskor si Santos ng 22 points, habang nagposte si Belen ng triple-double na 15 markers, 15 receptions at 10 digs at nagtala si Gandler ng 15 points at 14 receptions para sa Capital1.

Bumalikwas ang Choco Mucho mula sa 0-2 pagkakalubog sa laro sa likod nina Laure at Rondina para itabla sa 2-2 ang banggan at makahirit ng fifth set.

Kumonekta si Gandler ng down-the-line crosscourt shot at backrow hit para ilapit ang Solar Spi­kers sa 7-9 agwat sa fifth frame.

Tatlong sunod na puntos ang pinalo ni Rondina para ilayong muli ang F­lying Titans sa 12-7 patungo sa kanilang panalo.

Nagsumite si setter Julia Coronel ng 27 sets para sa Capital1, samantalang tumipa si rookie libero Detdet Pepito ng 24 digs.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with