^

PSN Palaro

Eala sasagupa sa qualifier sa Wuhan Open 1st round

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala sasagupa sa qualifier sa Wuhan Open 1st round
Si Pinay tennis sensa- tion Alex Eala sa pagbisita niya sa Lake Wuhan sa China bago sumabak sa Wuhan Open.
@wuha- nopenwta/Instagram

MANILA, Philippines — Posibleng makaharap ni Pinay netter Alex Eala si Russian netter Ekaterina Alexandrova o Singapore Open champion Leylah Fer­nandez sa second round ng Wuhan Open na ginaganap sa China.

Wala pang pangalan ang makakalaban ni Eala sa first round dahil isang qua­lifier ang nakatakda ni­tong makasagupa.

Matatapos ang quali­fying round Linggo ng gabi kung saan malalaman na ang makakalaban ni Eala sa opening round.

Kung papasok si Eala sa second round ay posible nitong makaharap ang mana­nalo kina Alexandro­va at Fernandez.

Hindi ito ang unang pag­haharap nina Eala at Ale­xandrova.

Nagtagpo na ang dala­wa sa quarterfinals ng Abu Dhabi Open noong Peb­rero sa United Arab Emi­rates kung saan nanalo si Ale­xandrova, 6-3, 6-3.

Sa kabilang banda, nag­harap na sina Eala at Fer­nandez ng dalawang beses.

Nanalo si Fernandez sa kanilang unang paghaha­rap, 6-1, 6-4, sa Round of 32 ng Stuttgart Open sa Ger­many noong Abril.

Nakaresbak si Eala nang pataubin nito si Fer­nan­dez sa Mubadala DC Open sa Washington D.C. sa Round of 16 sa pama­ma­gitan ng 6–2, 7–6 (1) demolisyon.

Muli namang magta­tambal sina Eala at kaibigang Zeynep Sönmez ng Turkey sa doubles event.

Sasalang sina Eala at Sonmez ngayong araw laban kina Anhelina Kalinina at Dayana Yastremska ng Ukraine.

Nagsama na sina Eala at Sonmez sa Madrid Open sa Spain noong Mayo kung saan umabot ang dalawa sa second round.

Kaya naman excited na si Eala na muling makasama ang kaibigan nitong si Sonmez sa kanilang kampanya sa Wuhan Open.

Puspusan na ang pag­hahanda ni Eala para ma­tiyak na nasa solidong kundisyon ito bago magsi­mula ang kaniyang kampanya sa Wuhan.

May ilang practice sessions na ito sa venue kasama ang kaniyang coaches at trainers.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with