^

PSN Palaro

EVANS TINANGHAL NA MVP SA NBA ROOKIE CHALLENGE: Sophomores 'di nakaporma sa Rookies

-

DALLAS-- Bago ang laro, sinabi ni DeJuan Blair ng San Antonio na kakalawitin niya ang lahat ng makukuha niyang rebound.

Humakot si Blair ng rekord na 23 rebounds at umiskor ng 22 points para sa 140-128 panalo ng mga rookies sa sophomores sa NBA Rookie Challenge kahapon dito.

“He started getting the rebounds for us. He did what he said he was going to do,” wika ni Tyreke Evans ng Sacramento kay Blair. “That’s why I wanted to share the (MVP) trophy with him.”

Tumipa naman si Evans ng 26 marka upang tanghaling Most Valuable Player.

Umiskor si Russell Westbrook ng Oklahoma City Thunder ng 40 points para sa mga sophomores.

Ang mga sophomores ang nanalo sa pito sa walong sunod na Rookie Challenge matapos itong ilunsad noong 2000.

“We got our butts kicked in every aspect of the game,” wika ni Patrick Ewing, assistant coach ng Orlando Magic, na siyang tumayong coach ng sophomore squad.

Sa slam dunk competition, muling magpapasiklab, mapapasabak ng todo si Toronto rookie DeMar DeRozan, tinalo si Los Angeles Clippers guard Eric Gordon sa botohan matapos na makakuha ng 61 per­cent boto mula sa fans, sa defending champion na si Nate Robinson para sa korona.

Bukod kay Robinson, makakalaban din ni DeRozan sina Charlotte All-Star Gerald Wallace at Lakers guard Shannon Brown.

CHARLOTTE ALL-STAR GERALD WALLACE

ERIC GORDON

LOS ANGELES CLIPPERS

MOST VALUABLE PLAYER

NATE ROBINSON

OKLAHOMA CITY THUNDER

ORLANDO MAGIC

PATRICK EWING

ROOKIE CHALLENGE

RUSSELL WESTBROOK

SAN ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with