Eala sasalang sa mga bigating events
MANILA, Philippines — Matapos ang matagumpay na ratsada sa Miami Open ay balik-ensayo kaagad si Alex Eala upang paghandaan ang mas mabibigat na labang sasagupin nito.
Walang duda na isa na si Eala sa mga aabangan sa susunod na mga torneong lalahukan nito lalo pa’t umangat na ito sa world rankings.
Ilalabas ngayong araw ang bagong WTA world rankings kung saan ookupahan ni Eala ang No. 75 spot.
Ito ang magdadala sa kaniya sa main draw ng malalaking international competitions kabilang na ang mga Grand Slam events kagaya ng French Open, Wimbledon at US Open.
Kaya naman handa na si Eala na harapin ang lahat upang muling makapagbigay ng karangalan sa bansa.
“I recognize that these two weeks have opened the door to so many opportunities for me, but along with those opportunities come a whole new set of obstacles I will have to navigate through. The real work starts now,” ani Eala.
Malaki ang pasasalamat ni Eala sa mga taong sumusuporta sa kaniya upang makaabot sa semifinals ng Miami Open.
Tatlong Grand Slam champions ang tinalo nito kabilang na sina reigning Australian Open champion Madison Keys ng Amerika at five-time Grand Slam champion Iga Swiatek ng Poland.
- Latest


















