Cone bad trip sa pagkatalo ng GSM

MANILA, Philippines — Inangkin ng Barangay Ginebra ang Game Four at Game Five, at isang panalo na lang ang kailangan para tapusin ang dominasyon sa kanila ng TNT Tropang Giga sa pangatlong beses nilang bakbakan sa PBA Finals.
Ngunit nakatabla ang Tropang Giga sa Game Six, 87-83, para puwersahin ang Gin Kings sa ‘winner-take-all’ Game Seven ng Season 49 PBA Commissioner’s Cup championship series.
Itinakas ng TNT ang dramatikong 87-83 overtime win sa huli nilang laro para angkinin ang ika-11 korona at ikatlong sunod na titulo laban sa Ginebra matapos sa 2023 at 2024 Governors’ Cup.
“They outplayed us. They deserve it. Game’s over,” wika ni Gin Kings coach Tim Cone sa Tropang Giga. “They made the big plays down the stretch, we didn’t. What else can I say? I mean, they deserve it more than we did.”
Sinikwat ng TNT ang Game One (95-89), Game Three (87-85) at Game Six (87-83), habang nanaig ang Ginebra sa Game Two (71-70), Game Four (95-78) at Game Five (73-66).
Bago matalo sa Tropang Giga ay naipanalo ng two-time PBA Grand Slam champion coach ang huli niyang tatlong laban sa Game Seven.
Si import Justin Brownlee ang nagtabla sa Gin Kings sa 79-79 sa huling 16.7 segundo sa fourth quarter patungo sa extra period.
Ngunit ang 36-anyos na PBA champion reinforcement rin ang nakagawa ng tatlong krusyal na turnovers sa overtime at ang kapos na four-point attempt sa pagtunog ng final buzzer.
“Everybody’s down, everybody’s hurt from the loss. Especially the way we lost,” ani Brownlee. “We ended up at 3-2. And we really felt like we could’ve closed it out.”
“I don’t think much about it right now. We lost. I’m not going to be thrilled about anything at this point. I’m not a really good loser, put it this way,” wika naman ng 67-anyos na si Cone.
Bigo ang American mentor na makopo ang kanya sanang ika-26 PBA title.
- Latest