Celtics ipinasok ang ika-8 dikit

SAN ANTONIO — Nagkuwintas si Jayson Tatum ng 29 points, 10 rebounds at 8 assists para gabayan ang nagdedepensang Boston Celtics sa 121-111 paggiba sa Spurs.
Nagdagdag si Jrue Holiday ng 21 points, 6 rebounds at 6 assists para sa pang-walong sunod na ratsada ng Boston (55-19).
Umiskor si Keldon Johnson ng 23 points kasunod ang 22 markers ni Stephon Castle para sa San Antonio (31-42) na laglag sa ikatlong dikit na kamalasan.
May 8-13 record ngayon ang Spurs sapul nang masuri si Victor Wembanyama na may blood clot sa kanang balikat at hindi na makakalaro sa season.
Nagsalpak ang Celtics ng walong three-point shots sa first period para ilista ang 36-27 abante at lalo pang nakalayo sa 94-81 papasok sa fourth quarter.
Sa Memphis, kumamada si Austin Reaves ng 31 points at tumipa si Luka Doncic ng 29 points at 9 assists sa 134-127 panalo ng Los Angeles Lakers (45-29) sa Grizziles (44-30).
May 25 markers si LeBron James para sa kanyang ika-42,000 career regular-season points.
Sa Oklahoma City, kumonekta si Shai Gilgeous-Alexander ng 33 points sa 132-111 paggupo ng Thunder (62-12) sa Indiana Pacers (43-31).
Sa Chicago, umiskor si Klay Thompson ng 20 points at may 19 markers si P.J. Washington sa 120-119 pagtakas ng Dallas Mavericks (37-38) sa Bulls (33-41).
Sa Orlando, nagbagsak si Paolo Banchero ng 24 points para tulungan ang Magic (36-39) sa 121-91 pagdomina sa Sacramento Kings (36-38).
Sa Philadelphia, nagposte si Tyler Herro ng 30 points sa 118-95 pagsunog ng Miami Heat (33-41) sa sibak nang 76ers (23-51).
- Latest