^

PSN Palaro

Pagkakaisa panawagan ni Cayetano para maresolba ang gulo sa cycling

-

MANILA, Philippines - Mismong ang mga cycling officials na ang dapat mag­ha­nap ng solusyon para sa ka­­pakanan ng paglahok ng Pi­lipinas sa mga international com­petitions.

Ito ang naging panawagan ni Sen. Pia Cayetano kina cy­cling chiefs Tagaytay Mayor Abra­ham Tolentino at Col. Ar­nold Taberdo.

“I’m not siding with anyone, but this is for the sake of our cyclists. If it’s the leadership that is causing confusion and standing in the way, why not just resign from their post,” ani Cayetano. “Leaders should set aside their personal ambitions for the sake of their athletes.”

Habang si Tolentino ang ki­­nilalang presidente ng Integra­ted Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) ng Union Cycliste International (UCI), si Taberdo naman ang bi­nigyan ng basbas ng Philippine Olympic Committee (POC).

Sa nakaraang 25th Southeast Asian Games sa Laos, hindi pi­nirmahan ni Tolentino ang isang endorsement letter ng SEA Games Federation Council para payagan ng UCI na makalahok sina Alfie Catalan, Joey Barba, Eusebio Quino­nes, Alvin Benoza, Ro­nald Gorantes, Julius Bonzo, Nilo Estayo at Roberto Querimit.

Ang UCI ang nagbibigay ng lisensya sa mga cyclists.

Limang gintong medalya ang inaasahan sana ni POC president Jose “Peping” Cojuangco, Jr. mula sa pagsali ng mga national riders sa 2009 Laos SEA Games.

Para maresolbahan ang krisis sa cycling, hinikayat ni Cayetano si Tolentino na mag­­sakripisyo at bumaba na la­mang sa kanyang posisyon bilang PhilCycling head. (Russell Cadayona) 

ALFIE CATALAN

ALVIN BENOZA

CAYETANO

CYCLING FEDERATION OF THE PHILIPPINES

EUSEBIO QUINO

GAMES FEDERATION COUNCIL

JOEY BARBA

JULIUS BONZO

SHY

TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with