^

PSN Palaro

Freeman naasahan ng Patriots, wagi sa Tigers

-

BANGKOK, Thailand--Ang katulad ni Gabe Freeman ang kailangan ng mga Patriots.

Ibinandera ang dating import ng San Miguel, tinalo ng Philippine Patriots ang Thailand Tigers, 91-87, sa ASEAN Basketball League (ABL) First Conference noong Linggo dito sa Nimibutr National Stadium.

Kumolekta si Freeman, ipinalit kay Brandon Powell, 21 points at 14 rebounds para pigilin ang dalawang sunod na kamalasan ng Patriots ni coach Louie Alas.

Si Freeman ang gumiya sa San Miguel sa paghahari sa 2009 PBA Fiesta Conference kontra Ginebra.

Kasalukuyang dala ng Patriots ang 10-4 kartada kasunod ang 8-5 ng Singapore Slingers.

Kahit matalo sa kanilang laro kontra Brunei Barracudas sa Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig ay hindi pa rin matitinag sa Top Two sa Final Four ang Patriots.

Nagsanib ng lakas sina Freeman, Rob Wainwright, Jason Dixon, Nonoy Baclao at Erwin Sta. Maria sa fourth quarter para ilista ang 86-76 lamang laban sa Tigers.

RP Patriots 91--Freeman 21, Dixon 15, Wainwright 14, Acu­na 13, Gaco 8, Sta. Maria 6, Alcaraz 5, Ybanez 5, Espiritu 2, Baclao 2, Baguion 0, Mirza 0.

Thailand 87 – Kruatiwa 21, Lertmalaiporn 21, Doruelo 11, Briggs 10, Nwankwo 9, Apiromvilaichai 6, Piroon 4.

Quarterscores: 21-17; 46-45; 69-68; 91-87.

BASKETBALL LEAGUE

BRANDON POWELL

BRUNEI BARRACUDAS

ERWIN STA

FIESTA CONFERENCE

FINAL FOUR

FIRST CONFERENCE

GABE FREEMAN

JASON DIXON

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with