^

PSN Palaro

Roach, Santiago, muntik nang magpang-abot

-

LAS VEGAS --Bago magsimula ang official weigh-in noong Biyernes, ang dalawang trainer ng dalawang kampo ay tila magpapalitan ng suntok.

Sina Freddie Roach at Joe Santiago, trainers nina Manny Pacquiao at Miguel Cotto, ay kapwa nasa itaas ng stage matapos na maabot ng dalawa ang catchweight na 145 lbs para sa WBO welterweight championship bout ngayon.

Si Pacquiao, na siyang challenger, ang unang umakyat sa timbangan at tumimbang ng 144 lbs suot ang boxer shorts at medyas. Sumunod naman si Cotto na tumimbang naman ng eksaktong 145 lbs suot naman ang boxer briefs na may superhero Ironman design.

Pagkatapos ihayag ni Michael Buffer ang official weight, agad nag-unat ng kanyang biceps ang 29 anyos na Puerto Rican at dahan-dahang humarap kay Roach na katabi niya sa kanan na para iparamdam na tama ang kanyang timbang.

Pagkatapos si Santiago, na may ‘word war’ kay Roach sa mga nagdaang linggo, ay may sinabing ikinairita ng 3-time Trainer of the Year.

“Miguel gets on the scales, he makes weight and his trainer says, ‘Hey, he’s 145, asshole,” wika ni Roach nang tanungin kung ano ang dahilan ng kanyang pagka-irita na muntik nang mauwi sa gulo sa harap ng libu-libong fans na sumaksi sa weigh-in.

“I said, ‘why did you call me an asshole?’ Then I said, ‘go fuck yourself,’” galit na wika ni Roach, na inaasahang hindi makaaabot sa weight limit si Cotto.

“Then Cotto starts staring at me like he’s gonna beat me up. But I was told to calm down so I calmed down. It’s okay. He’s just a young kid and we’re inside their heads,” wika pa ng trainer ni Pacquiao.

Sinabi ni Roach na sisiguruhin niyang nasa tabi siya kapag binalot na ang mga kamay ni Cotto sa loob ng dugout. Siguro mas maganda kung may mamamagitan sa dalawang trainer.

“We’re gonna watch his hand get wrapped tomorrow and whew, it’s gonna be fun,” ani pa ni Roach.

vuukle comment

BUT I

COTTO

JOE SANTIAGO

MICHAEL BUFFER

MIGUEL COTTO

PAGKATAPOS

PUERTO RICAN

ROACH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with