Pagpapakasal ni Hatton sa gf makakapaghintay
MANILA, Philippines - Para kay Briton world light welterweight champion Ricky Hatton, makapaghihintay pa ang kanyang pagpapakasal sa nobyang si Jennifer Dooley.
Ayon sa 30-anyos na tubong-Manchester, England, mas prayoridad niya ang pagdedepensa ng kanyang International Boxing Organization (IBO) light welterweight crown at ang Ring Magazine title laban kay Filipino boxing hero Manny Pacquiao kaysa ang pagtatakda ng kanilang kasal ni Jennifer.
“The wedding will have to wait for when I retire,” wika ni Hatton sa panayam ng dyaryong The Sun mula sa isang cruise liner. “I want it to be a big day for Jennifer. Now is not the sensible time to do it.”
Nakatakdang sagupain ni Hatton ang 30-anyos ring si Pacquiao sa Mayo 2 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Ang pagsakay sa isang cruise liner tuwing winter season ay naging bahagi na ng buhay ng pamilya ni Hatton na siya niyang itinaon upang magpropose ng kasal.
“When we finished, I got the ring out and said, ‘Jennifer you are making me very happy. I’m really enjoying our time together, you are fantastic with my son and I’d like you to marry me’. She cried and blubbed, ‘I’ll do you so proud Ricky’. When she stopped crying she said, ‘Only you could propose with a parrot on your shoulder and make it work’,” litanya ni Hatton.
Pagbaba sa naturang cruise liner ay kaagad na babalik sa ensayo si Hatton sa ilalim ni American trainer Floyd Mayweather, Sr. (Russell Cadayona)
- Latest
- Trending