^

PSN Palaro

Lady Tams pinalaso ng Lady Archers

-

Nalusutan ng De La Salle University ang mabigat na hamon ng Far Eastern University at sumandal sa set play ng kanilang guest players na si Chie Saet sa huling dalawang frame tungo sa 25-15, 18-25, 25-23, 25-18 panalo sa kanilang pagbabalik sa Shakey’s V-League second conference sa The Arena sa San Juan kahapon.

Nagtulong sina Celine Hernandez at Manilla Santos sa pinagsamang 27 hits habang nagdagdag naman sina Jacqueline Alarca at Stephanie Mercado ng tig-10 puntos para sa Lady Archers.

Nagpakawala din ang Taft-base squad sa net defense nang humatak sila ng 15 blocks kontra sa 5 lamang ng FEU.

Samantala, ibinunton naman ng Adamson ang kanilang higanti sa St. Benilde makaraang payukurin ang Lady Blazers 25-21, 25-13, 25-22 .

Nagpakawala si Rissa Laguilles ng 17 hits kabilang na ang 15 kills habang nagtala naman ng 12 atake si Angela Benting para sa 14 point output para sa Lady Falcons.

Samantala, ang La Salle-FEU games ay mapapanood sa NBN-4 simula ngayong alas-2 ng hapon (Miyerkules) na may replay na mapapanood naman sa Viva Prime Channel sa Destiny Cable at Makisig Channel sa Sky Cable.

vuukle comment

ANGELA BENTING

CELINE HERNANDEZ

CHIE SAET

DE LA SALLE UNIVERSITY

DESTINY CABLE

FAR EASTERN UNIVERSITY

JACQUELINE ALARCA

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY BLAZERS

LADY FALCONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with