Wemby, Spurs pinulutan T-Wolves
SAN ANTONIO - Nagkuwintas si center Victor Wembanyama ng 43 points, pitong rebounds, anim na blocks at apat na assists sa 121-111 pagpulutan ng Spurs sa Minnesota Timberwolves.
Ito ang ika-10 pagkakataon na umiskor ang 7-foot-4 na si Wembanyama ng 40 points o higit pa sa regular season at pang-11 sa kanyang career.
Matapos supalpalin ang three-point attempt ni Jonathan Kuminga ng Minnesota ay tumakbo pababa ng court si Wembanyama para sa isang two-handed dunk na nagbigay sa kanya ng 40 points.
Nagdagdag si Fil-Am guard Dylan Harper ng 25 points, habang may 20 markers si De’Aaron Fox para sa ikaapat na sunod na ratsada ng San Antonio matapos ang 0-2 panimula.
Kumamada si Ayo Dosunmu ng 27 points sa panig ng Timberwolves (4-3) at may tig-19 markers sina Kuminga at Jaden McDaniels.
Hindi naglaro para sa Minnesota sina injured starters Anthony Edwards (knee surgery) at Rudy Gobert (back spasms).
Sa iba pang laro, panalo ang Portland Trail Blazers sa Uah Jazz, 112-90; wagi ang Philadelphia 76ers sa Charlotte Hornets, 109-104; nirapdio ng New Orleans Pelicans ang Atlanta Hawks, 121-99; dinomina ng Memphis Grizzlies ang Sacramento Kings, 136-105; tinusok ng Cleveland Cavaliers ang Milwaukee Bucks, 136-111; at tinalo ng Houston Rockets ang Oklahoma City Thunder, 119-98.
- Latest





















