^

PSN Palaro

Kumpleto na ang semis cast sa V-League

-

Diniskaril ng Ateneo ang Univ. of San Jose-Recoletos sa kanilang solidong all-around game tungo sa 25-21, 23-25, 25-21, 25-13 victory para makumpleto ang semifinal cast ng Shakey’s V-League Season 5 sa The Arena sa San Juan kahapon.

Muling bumandera si Thai import Emorn Phanusit at Ma. Rosario Soriano sa opensa at tumapos ng 25 at 22 points ayon sa pagkakasunod at nilimitahan naman ng Lady Eagles ang Cebuanos sa 13 points sa fourth frame upang tapusin ang laban sa loob ng isang oras at 42-minuto para makumpleto ang sweep ng single round quarterfinal phase.

Kasabay ng panalo ang Lyceum sa Univ. of St. La Salle-Bacolod, 25-16, 18-25, 25-23, 25-10 sa unang laro, kinumpleto ng Eagles at Pirates ang semis cast kung saan kasama nila ang Adamson at San Sebastian sa susunod na round na magsisimula sa Martes.

Dahil sa panalo ng Ateneo at Lyceum, wala nang bearing ang mga laro sa huling araw ng quarterfinal phase kung saan magsasagupa ang USLS at USJ-R gayundin ang St. Benilde at FEU.

Nagtapos ang Lyceum na may 4-1 record sa likod ng 5-0 ng Ateneo habang ang USJR ay may 2-2 record kasunod ang USLS at FEU na may 1-3 kartada at bokya ang St. Benilde sa 4-laro.

vuukle comment

ATENEO

EMORN PHANUSIT

LADY EAGLES

ROSARIO SORIANO

SAN JOSE-RECOLETOS

SAN JUAN

SAN SEBASTIAN

ST. BENILDE

ST. LA SALLE-BACOLOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with