^

PSN Palaro

Pinoy cue artists nanalasa

-
Katulad ng dapat asa-han, dinomina ng mga Filipino ang 2007 World 8-Ball Championships ma-tapos umakyat ang 10 local cue masters sa Round of 32 sa Al Bustan Centre sa Fujairah, United Arab Emirates kahapon.

Winalis nina Filipino cue masters Efren "Bata" Reyes, Francisco "Djan-go" Bustamante, Ronnie Alcano at Dennis Orcullo ang kani-kanilang laro para samahan ang pito pang kamador patungo sa krusyal na bahagi ng torneong tinatampukan ng nagdedepensang si Wu Chia-ching ng Chinese-Taipei.

Iginupo ng 1999 World 9-Ball champion na si Reyes si Bashar Hussein ng Qatar, 8-5, para sa kanyang ikalawang sunod na panalo kapareho nina Bustamante, Alcano at Orcullo.

Binigo ni Bustamante si Alexander Dremsizis ng Germany, 8-1, habang tinalo ni Alcano, ang 2006 World 9-Ball ruler, si Rafath Habib ng India, 8-3, at sinibak naman ni Orcullo si Karl Boyes ng Great Britain, 8-3.

Bukod kina Reyes, Bustamante, Alcano at Orcullo, ang iba pang Pinoy na umabante sa Last 32 ay si three-time Southeast Asian Games gold medal winner Lee Van Corteza kasabay sina Middle East-based Joven Bustamante, James Orte-ga, Elvis Calasang, Joybe Vicente at Mario Tolen-tino.

Bumangon si Corteza mula sa isang 3-8 kabi-guan kay Taiwanese Hsia Hui-kai para gibain si UAE bet Issa Al Boloshi, 8-1.

Umiskor naman ng panalo si Bustamante kay German Oliver Ort-mann, 8-3, si Ortega kay Boyes, 8-6, si Calasang kay Saudi Arabian Naif Al Jeweni, 8-2, si Vicente kay Venezuelan Rizandro Arrieta, 8-2, at si Tolentino kay Kuwaiti Nasser Al Mujebel, 8-3. Si Wu ang namuno sa iba pang bigating cue masters na kinabibilangan nina dating World 9-Ball titlists Thorsten Hohmann at Ralf Souquet ng Ger-many, ang kababayang si Thomas Engert, si Marcus Chamat ng Sweden at Asian Games gold meda-list Satoshi Kawabata ng Japan.

Sa Round of 32, ma-kakalaban ni Reyes si Ortega, habang sasagu-pain naman ni Alcano si Hohmann, at kakatagpuin ni Bustamante si Engert.

Ang iba pang pares ay sina Orcullo kontra kay Ben Nunan ng Australia, Corteza laban kay Van Den Berg, si Calasang kay Vicente, si Tolentino kontra kay Niels Feijen ng Netherlands. (Russell Cadayona)

AL BUSTAN CENTRE

ALCANO

ASIAN GAMES

BALL CHAMPIONSHIPS

BASHAR HUSSEIN

BEN NUNAN

BUSTAMANTE

KAY

ORCULLO

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with