^

PSN Palaro

PBA Comm’s Finals patok sa TV ratings

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  PBA  pa rin ang numero unong liga ng bayan.

Ito ang napatunayan sa katatapos lang na PBA Season 50 Commissio­ner’s Cup matapos humataw sa ratings ang Game 7 at makipagsabayan ang RPTV sa mga karibal na TV networks.

Bilang official broadcaster ng PBA, nagtala ang RPTV ng 4.53% rating o katumbas ang halos 3.2 milyong TV viewers sa Game 7 noong nakaraang linggo na pinagwagian ng crowd favorite na Barangay Ginebra kontra sa dating kampeon na Talk ‘N Text.

Ito na ngayon ang pina­ka­mataas na rating sa kahit anong sporting event ngayong 2026 sa Pilipinas.

Ayon ito sa datos ng Philippine National TV Audience Measurement (PHINTAM).

Sa katunayan ay umakyat pa ito sa peak rating na 6.29% o 4.42 milyong viewers at sa buong araw ay nakakuha ang RPTV na 1.%  average rating upang daigin ang GMA News TV at mismong TV tungo sa pagiging No. 2 channel sa likod lang ng GMA.

Humataw pa sa pagi-ging No. 1 ang RPTV daig ang GMA mula alas-9:15 hanggang alas-10:45 ng gabi o sa kasagsagan ng second half ng Game 7 kung saan umalagwa ang Gin Kings tungo sa 88-76 tagumpay.

Kasunod din nito ang awarding ceremony kung saan tinanghal na Finals MVP si Scottie Thompson para kumpletuhin ang award sweep ng Gin Kings matapos ding koronahan bilang Best Import at Best Player of the Conference sina Justin Brownlee at RJ Abarrientos, ayon sa pagkakasunod.

Sa buong serye tampok ang 7 pambatong laro, nagtala ang PBA ng average na 3.9% rating o lagpas 2.75 milyong live viewers.

Bukod pa rito naukit na bagong record ng PBA sa Mall of Asia Arena tampok ang 24,617 fans.

Nabura nito ang 23,616 fans sa MOA Arena noong Game 7 ng 2016 Phi-lippine Cup tampok ang makasaysayang B­eeracle tampok ang panalo ng San Mi­guel kontra sa Alaska upang maghari bilang kauna-unahang koponan sa buong mundo na na­ka­balikwas mula sa 0-3 deficit.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with