Memberhip ng POC sa SEC matagal nang suspendido
January 29, 2007 | 12:00am
Sapul noong 1991 ay suspendido na ang Philippine Olympic Committee (POC) sa Securities and Exchange Commission (SEC).
Kaya naman ipinaaayos na ni POC president Jose "Peping" Cojuangco, Jr. ang naturang problema sa SEC sa kanilang mga legal counsels.
"Our legal officers are now working on it para ma-reactivate yung membership ng Philippine Olympic Com-mittee sa Securities and Exchange Commission," wika ni Cojuangco na sinabi ring maski ang International Olym-pic Committee (IOC) ay rehistrado sa kanilang SEC.
Bukod sa POC Executive Council, hiningi rin ni Cojuang-co ang opinyon ng mga National Sports Associations (NSAs) ukol sa pagsasabuhay ng membership ng POC sa SEC.
"I told them that this is already necessary para maituwid na namin yung mga lakad namin. Parang dito na namin makikita kung ano ang kahalagahan nito sa mga activities ng POC at mga NSAs," wika ni Cojuangco.
Sa 45 NSAs na miyembro ng POC at bumubuo sa General Assembly, 90 porsiyento rito ay nakarehistro na sa SEC, dagdag ni Cojuangco.
"As far as the NSAs are concerned, iniiwan ko na sa kanila kung gusto ba nila o ayaw magparegister sa SEC. Pero sabi ko nga sa kanila, kailangan nilang makapag-register sa SEC since ito naman ay nakasaad sa batas ng Philippine Sports Commission," ani Cojuangco.
Bukod sa problema sa SEC, pinaplantsa na rin ng POC ang paghahanda ng Team Philippines para sa 2007 Southeast Asian Games sa Thailand sa Disyembre. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest