^

PSN Palaro

Basang-basa sa ulan ang RP delegation

-
DOHA -- Giniginaw at basang-basa na sa ulan na nakatayo ang Philippine delegation habang naghihintay ng bus na darating para makabalik na sa Athlete’s village makaraan ang magarbo at pinakamahal na opening ceremony presentation.

Ilan dito ay may mga laro pa kinabukasan.

Dahil sa sobrang higpit na security, kawawang naghintay ang may 120 atleta at opisyal ng masasakyan sa gitna ng umuulan at nakapalamig na panahon kung saan nagsisimula na ang winter sa bansang ito na mayaman sa langis.

Nagmamakaawa na papasukin man lang sana sa loob ng stadium, hindi dininig ng security officers ang kanilang daing hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan at parang mga basang sisiw ang mga Pinoy na kinabibilangan ng flag-bearer na si Paeng Nepomuceno.

Halos magriot sa pag-uunahan sa pagpasok sa loob nang pinilit ng mga Hapones, Indonesians na makapasok matapos papasukin ng security men ang isang Qatari athlete. Galit na lahat dahil nanginginig na sa lamig at basang-basa na," wika ni Nestor Ilgan, delegation administrative officer na kasama sa grupo ng Philippine Olympic Committee officials na sina Joey Romasanta at Julian Camacho na nagmartsa.

At nang dumating na rin ang mga sasakyang bus halos nagtagal pa rin ang mga atleta dahil sa kulang sa 30 minutos na security checks . (DMVillena)

DAHIL

GALIT

GINIGINAW

HAPONES

ILAN

JOEY ROMASANTA

JULIAN CAMACHO

NESTOR ILGAN

PAENG NEPOMUCENO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with