^

PSN Palaro

Dokumento para sa Doha Asiad kailangang ipadala na

-
 Kailangan nang ipa-dala ng Pilipinas sa Set-yembre ang mga kau-kulang rekwesito para sa darating na 15th Asian Games sa Doha, Qatar na nakatakda sa Disyembre 1-15.    

Ayon kay Moying Mar-telino, pinuno ng Philip-pine Secretariat, mahala-ga na makapagpadala na ang bansa ng mga doku-mento ukol sa bilang at pangalan ng mga atletang ilalahok sa nasabing quadrennial event. 

"We have given  them enough time to comply with the requirements," wika ni Martelino sa mga National Sports Asso-ciations (NSA)s. "Lahat ito ay kailangang ipadala na sa Doha. Kapag hindi kumpleto ‘yung require-ments ay tatanggihan ng Doha ang ating mga papeles." 

Pumatak na sa 205 ang bilang ng mga atle-tang inaprubahan ng Philippine Olympic Com-mittee (POC) Executive Board para sa kompo-sisyon ng delegasyon sa 2006 Doha Asiad. 

Sinabi ni Martelino na magiging mahigpit ang Doha Asian Games Orga-nizing Committee (DA-GOC) sa pagsasala sa mga dokumento ng bawat bansa. 

"Hindi lang ang Doha Organizing Committee ang magiging involve dito kung hindi pati na rin ang immigration nila. Kapag na-process na ito, mag-i-issue ang DAGOC ng non-valid ID cards na non-valid for the competition," ani Martelino. 

Ang naturang non-valid ID cards, dagdag ni Martelino, ang siyang magiging pasaporte ng bawat atleta sa 2006 Doha Asiad. 

"It is actually your pass-port for Doha. At kailangan ring by December 16 ay nakaalis ka na ng Doha, otherwise they will arrest you for over staying," sabi ni Martelino. (R. Cadayona)

ASIAN GAMES

DOHA

DOHA ASIAD

DOHA ASIAN GAMES ORGA

DOHA ORGANIZING COMMITTEE

EXECUTIVE BOARD

KAPAG

MARTELINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with