^

PSN Palaro

SBC nagpaparamdan na sa Letran

-
Tatlong laban pa la-mang ang sinusuong ng San Beda College subalit nagpaparamdam na sila sa nagdedepensang Letran College.

Tangan ang 2-1 rekord, sasagupain ng Red Lions ang Mapua Cardinals ngayong alas-4 ng hapon matapos ang banggaan ng five-time champions San Sebas-tian Stags at host na College of St. Benilde Blazers sa alas-2 sa 82nd NCAA men’s basketball tournament sa Ninoy Aquino Stadium.

Nabingwit ng San Beda ang kanilang ikala-wang panalo makaraang gibain ang St. Benilde, 71-57, tampok rito ang 13 puntos ni Yousif Aljamal, 12 ni Ogie Menor, 11 ni John Escobal at 10 ni Raymond Maggay.

Kasalukuyang naha-hati ang atensyon ni coach Koy Banal sa San Beda at sa Purefoods Chunkee Giants, kalaban ang Red Bull sa Gran Matador Brandy PBA Philippine Cup Finals, kung saan siya assistant ni mentor Ryan Gregorio.

Nasa ikatlong puwesto ngayon ang Red Lions sa ilalim ng Knights (3-0) at PCU Dolphins (3-1).

Bukod kina Aljamal, Menor, Escobal at Mag-gay, aasahan rin ng San Beda si 6-foot-9 Nigerian Samuel Ekwe na humu-got ng 8 marka, 11 re-bounds, 1 assist at 1 steal sa kanilang panalo sa St. Benilde.

Kung nanggaling ang Red Lions sa panalo, nag-mula naman ang Cardi-nals sa kabiguan matapos makatikim ng 68-76 pag-katalo sa Stags para sa kanilang 1-1 baraha.

Sa inisyal na laro, pipi-litin naman ng San Se-bastian na makabangon mula sa isang two-game losing skid na naglubog sa kanila sa 1-3 sa ilalim ng 1-2 ng St. Benilde. (Russell Cadayona)

COLLEGE OF ST. BENILDE BLAZERS

GRAN MATADOR BRANDY

JOHN ESCOBAL

KOY BANAL

LETRAN COLLEGE

MAPUA CARDINALS

NIGERIAN SAMUEL EKWE

RED LIONS

SAN BEDA

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with