^

PSN Palaro

Kayanin kaya ng Lady Stags?

-
Nais maisakatuparan ng San Sebastian ang kabiguan nila noong nakaraang araw sa kanilang muling pakikipaglaban sa walang talo na De La Salle ngayon sa ikalawang round ng semifinal phase ng V-League na ipiniprisinta ng Shakey’s sa Blue Eagle Gym.

Muntik nang maipalasap ng Lady Stags ang unang kabiguan ng Lady Archers matapos ma-sweep ang single round elimination ngunit naging kumpiyansa na naging daan sa kanilang kabiguan matapos makuha ang unang dalawang set, 25-21, 25-23, 9-25, 21-25, 5-15, sa panimula ng semis noong June 2.

Ngunit makaraang makuha ang unang finals berth sa kanilang malinis na 11-0 slate, may apat na laro una sa San Sebastian at Adamson, tiyak na hindi gaanong ibubuhos ng Lady Archers ang kanilang laro sa pang-alas-2 ng hapong salpukan sa SSC.

Ang SSC at Adamson ay magkatabla sa ikalawang posisyon na may 7-4 slates ngunit nanalo na ang Recoletos-based spikers ng tatlong laban sa semis at kailangan na lamang manalo ng dalawa sa kanilang huling apat na laban para sa 5-of-8 incentive rule para sa playoff sa ikalawang slot ng finals sa torneong hatid ng Shakey’s Pizza na inorganisa ng Sports Vision at suportado din ng Accel, Mikasa, Aquabest, VFresh, ABC-5 at ABC Sports.

Sa unang laro, maghaharap naman ang Lyceum at FEU sa ganap na alas-12 ng tanghali.

vuukle comment

ADAMSON

AQUABEST

BLUE EAGLE GYM

DE LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY STAGS

MIKASA

SAN SEBASTIAN

SHAKEY

SPORTS VISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with