^

PSN Palaro

MAY GAME 5 PA!

- Carmela Ochoa -
Kakaibang intensidad ang ipinamalas ng Har-bour Centre upang maka-bawi sa nakaraang kabi-guan sa pamamagitan ng eksplosibong 73-55 pa-nalo laban sa Toyota Otis Sparks sa Game-Four ng 2006 PBL Unity Cup sa Olivarez College Sports Center kahapon na nag-puwersa ng winner-take-all match.

Inangat ng Portmas-ters ang kanilang depensa sa mas mataas na level kasabay ng paghataw ni Chico Lanete sa opensa sa pagsusumite ng game-high na 20-puntos para maitabla ng Harbour Centre ang best-of-five championship series sa 2-2 panalo-talo.

Nakatakda ang deciding Game-Five bukas ng alas-3:00 ng hapon kung saan may tatanghalin nang kam-peon ng ikalawang kum-perensiya ng PBL.

Bumawi si Lanete sa pagkabokya sa Game-Three nang banderahan nito ang 14-4 run para sa komportableng 69-50 bentahe ng Portmasters papasok sa huling 2:20 minuto ng labanan.

"Grabe ang depensa namin today at maganda ang attitude ng mga players going into this game," pahayag ni coach Jorge Gallent ng Harbour Centre. "Siguro ang naisip nila we loose, we’re out."

Maagang umarang-kada ang Portmasters na sinamantala ang di pagla-ro ni Aaron Aban dahil sa kanyang sprained left-wrist, nang isulong nila ang 19-puntos na kalamangan, 39-20 bago ang halftime.

Tinangkang tapusin ng Toyota Sparks ang serye nang sinikap nilang maghabol sa ikala-wang bahagi ng labanan ngunit sapat lamang ito upang makalapit ng hang-gang pitong puntos, 40-47 bago matapos ang ikat-long canto.

Katulong ni Lanete ay si L.A. Tenorio na may 15-puntos upang punan ang kamalasan ni Joseph Yeo na nalimitahan lang sa isang puntos lamang habang tanging ang Most Valuable Player na si Joe Devance ang nakapagsu-mite ng double digit sa Toyota sa kanyang tina-pos na 16-puntos.

AARON ABAN

CHICO LANETE

HARBOUR CENTRE

JOE DEVANCE

JORGE GALLENT

JOSEPH YEO

MOST VALUABLE PLAYER

OLIVAREZ COLLEGE SPORTS CENTER

PORTMASTERS

TOYOTA OTIS SPARKS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with