Bong Go ang una, ‘Duter10’ umarangkada
MANILA, Philippines — Umarangkada sa nakuhang suporta ng publiko ang mga kandidatong kaalyado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, batay sa pinakabagong Pulse Asia senatorial preference survey mula Enero hanggang Marso 2025.
Ang pataas na trajectory ng tinaguriang ‘Duterte Ten’ o ‘Duter10’ ay sumasalamin sa matatag na lakas ng kanilang political coalition bago ang 2025 midterm elections.
Si Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, ang nananatiling nangunguna sa mga kandidato. Mula sa 50.4% noong Enero at 58.1% noong Pebrero, ay umakyat pa 61.9% noong Marso. Nadagdagan ang kanyang puntos ng 11.5 sa loob ng tatlong buwan.
Nagpakita rin si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ng tuluy-tuloy na pagtaas, 41.2% Enero, 44.3% Pebrero at 48.7% Marso. Si Cong. Rodante Marcoleta ay tumaas mula 12.5%-Enero, 16.1%-Pebrero ay naging 28.3% noong Marso.
Umakyat rin sina Jimmy Bondoc, Jayvee Hinlo, Raul Lambino, Phillip Salvador, Victor Rodriguez, Pastor Apollo Quiboloy at Doc Marites Mata.
- Latest