Imee: ‘Itim’ ad ideya ni VP Sara

MANILA, Philippines — Ideya ni Vice President Sara Duterte ang ‘itim’ ad ni Sen. Imee Marcos.
Ipinaliwanag ni Marcos na pinatutungkulan ng ad kung saan kasama niya si VP Sara, ang maling daan na tinatahak ng kasalukuyang administrasyon kaya dapat ipaglaban ang tama.
Biglaan lang aniya ang ideya ng nasabing ad na ginawa noong dumating sa bansa si VP Sara mula sa The Hague.
“Siya (VP Sara) ang nagsasabi na wala siya sa mood at itim at luksa ang pakiramdam ng nakararami. Sabi ko papano gagawin sa political ad di ba nakakalungkot? Pareho kaming nakalimot na may kampanya pala... Siya ang nagpupumiglas na itim... Itim ay simbolo na ‘Ipaglaban ang Tama, Itama ang mali,” ani Marcos.
Idinagdag ni Marcos na sa nangyayari sa kasalukuyan ay hindi na angkop ang mga sayaw-sayaw at mag-motorcade.
Hindi naman direktang sinagot ni Marcos ang tanong kung makakatulong sa kanyang kampanya at tiyansang manalo ang endorsement ni VP Sara.
- Latest