^

PSN Palaro

Pacquiao ‘di apektado sa gulo

-
Hindi apektado si Manny Pacquiao sa problema ng dalawang Filipino handlers niya na sina lawyer Ging Gacal at Wakee Salud.

Noong isang linggo ay naiulat na idinemanda nina Shelly Finkel, Nicholas Khan at Keith Davidson sina Gacal at Salud dahil umano sa pakikialam nito sa mga desisyon ng premyadong Pinoy boxer.

"Nakausap ko si Manny kanina lamang at ako ay natuwa sa aking mga narinig," wika ni Salud. "Hindi siya nagpapa-apekto sa gulo at patuloy ang kanyang pag-eensayo sa Wild Card sa Hollywood dahil sa kulang-kulang isang buwan na lamang ay sasabak na siya kay Oscar Larios (sa Hulyo 2 sa Araneta Coliseum)."

"Nag-lie low muna ang mga Amerikano," sambit pa ni Salud na nakatakdang umalis patungong Los Angeles bukas ng gabi upang makipag-meeting muli kay Pacquiao at para dumalo din sa laban ni Bobby Pacquiao kontra kay Kevin Kelley ng US sa Sabado sa Madison Square Garden sa New York.

Samantala ay naging pabor kung totoo man ang report sa internet na nagsasabi na sa Nobyembre 18 at hindi na sa Oktubre 7 gaganapin ang third fight nina Pacquiao at Mexican Erik "El Terrible" Morales. Ayon sa boxingtalk.net ay sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas magaganap ang dwelo kung saan ginulpi ni Pacquiao si Morales sa loob ng sampung rounds noong Enero.

"Tamang-tama talaga ang postponement dahil makapagbibigay ito ng sapat na panahon para kay Manny dahil sa kung talagang sa October 7 ay napakalapit nito sa laban niya kay Larios (sa Hulyo 2)," dagdag pa ni Salud.(JMM)

ARANETA COLISEUM

BOBBY PACQUIAO

EL TERRIBLE

GING GACAL

HULYO

KEITH DAVIDSON

KEVIN KELLEY

LAS VEGAS

LOS ANGELES

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with