^

PSN Palaro

Coaches hindi kasama sa Hong Kong trip

-
Ang mga national ath-letes lamang na sumikwat ng gold medal sa naka-raang Southeast Asian Games ang siyang maka-kasama sa isang three-day trip sa Hong Kong.

Ito ang siyang niliwa-nag ni First Gentleman Atty. Mike Arroyo hinggil sa sinasabing pagkakabi-lang rin ng mga national coaches sa nasabing bi-yahe na magtatampok sa pagbisita ng mga gold me-dalists sa Disneyland.

Ayon kay Atty. Arroyo, masyado nang malaki ang kanyang ginugol para makakuha ng ‘Godfa-thers’ ang mga sports as-sociations ukol sa prepa-rasyon ng mga atleta para sa nakaraang 2005 SEA Games.

"Kakausapin natin ‘yung mga Godfathers nila or ‘yung mga NSA heads nila to fund their respective coaches," ani Atty. Arroyo. 

Umabot sa P160 mil-yon ang naipaluwal ng mga ‘Godfathers’ para sa international training at competition ng mga atleta bago ang naturang bien-nial meet kung saan kinu-ha ng Team Philippines ang overall championship sa likod ng hinakot na 113 gintong medalya.

"Ang laki na ng gastos natin diyan. I mean that’s all private, walang gob-yerno diyan," sabi ng First Gentleman. "Kapag kasi may pinayagan tayong isa o dalawang coaches to join the Hong Kong trip, baka may magselos at siyempre, dadami na ang gagastusan natin."

Ang naturang Hong Kong trip ay pangako ni Atty. Arroyo sa mga at-letang pumitas ng gold medal sa 2005 SEA Games.

Nakatakdang umalis ang halos 178 gold medal winners patungong Hong Kong sa Disyembre 19. (R.Cadayona)

AYON

CADAYONA

DISYEMBRE

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN ATTY

HONG KONG

MIKE ARROYO

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TEAM PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with