RP volleybelles pinaramdaman ng Thailand
October 10, 2005 | 12:00am
Naramdaman ng Team Philippines ang lakas ng Thailand nang malasap nila ang ikalawang sunod na talo, 15-25, 18-25, 12-25, para magkasya sa third place finish sa four-nation Shakey's Invitational Vol-leyball tournament na nag-tapos sa Rizal Memorial Coliseum.
Matapos ang five-set loss sa Indonesians, deter-minado ang mga Pinay vol-leybelles na bigyan ng ma-gandang hamon ang mga Thais ngunit ipinakita ng reigning Southeast Asian Games champions ang ka-nilang lakas sa pangungu-na ni team captain Pleumjit Thinkaow na nagpakawala ng 20 hits--14 sa kills at lima sa serves.
Nagsilbi itong babala ng Thailand national squad sa RP womens volleyball team sa nalalapit na 23rd Southeast Asian Games.
Na-sweep ng Thailand ang three-day event na hatid ng Shakey's Pizza at inorganisa ng Philippine Volleyball Federation sa tulong ng event coordinator na Sports Vision Manage-ment Group, Inc., na nagsil-bing tune-up para sa bien-nial meet na nakatakda sa Nov. 27-Dec. 5 sa Bacolod.
"Malakas talaga sila," ani coach Ramil de Jesus ng RP team na tumapos ng 1-2 (win-loss) mark.
Ipinakita ng Thais ang kanilang dominasyon sa kanilang malinis na record nang hindi sila natalo ng set kabilang ang 25-16, 25-23, 25-20, panalo sa Indons noong Biyernes at 25-6, 25-12, 25-15 pananalasa sa Myanmar noong Sabado.
Nauna rito, sumandal ang Indonesia sa kanilang impresibong attacking game upang igupo ang Myanmar, 25-14, 25-15, 25-13, para magtapos na may 2-1 record.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended