^

PSN Palaro

40 teams maglalaban sa adidas Streetball Challenge

-
Apatnapung koponan ang maglalaban-laban para sa karangalan sa seniors at girls division ng adidas Streetball Challenge na pagtatanghal ng ikatlong sunod na Pocket Tourna-ment ngayon sa La Salle-Lipa sa Batangas.

Ang isang araw na event na magsisilbi ding ikaapat na yugto ng 11 stage circuit matapos ang inaugural Big Leg tournament na panimula ng taunang event noong nakaraang buwan kung saan umabante na sa Nationals ang Team Beta ng San Beda, Team Galaxy ng UP Diliman, and La Salle-Greenhills A’s Team Hard-core at Team Quarter Pounder matapos maghari sa seniors, girls, juniors and midgets divisions, ayon sa pagkakasunod.

Ang mga magwawagi sa Naga, San Fernando, Lipa at Baguio elims ang maglalaban sa SM City-Baguio sa May 15 ang kakatawan sa Luzon sa National finals na nakatakda sa July 30-31 sa Festival Mall.

Ang Visayas regional finals, na nakatakda June 19 sa SM-Cebu, ay bubuuin ng mga nagwagi mula naman sa Iloilo, Bacolod at Cebu elims, habang ang winners ng Cagayan de Oro, Zamboanga at Davao qualifiers ang maglalaban ng puwesto para sa national finals sa July 17 sa NCCC Mall sa Davao.

Ang mga winners sa regional tourney at champions sa iba’t ibang division ang kakatawan sa bansa sa Asian adidas Streetball finals sa September dito.

ANG VISAYAS

BIG LEG

CEBU

DAVAO

FESTIVAL MALL

LA SALLE-GREENHILLS A

LA SALLE-LIPA

POCKET TOURNA

SAN BEDA

SAN FERNANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with