^

PSN Palaro

Pag-ako ng PBA sa SEABA nakasalalay sa board

-
Kailangan munang aprubahan ng Board Members ng Philippine Basketball Association ang pag-ako ng PBA ng responsibilidad sa Southeast Asia Basketball Association.

Ibinigay na ng Basketball Association of the Philippines (BAP) sa PBA ang pagbuo ng National squad para sa SEABA na siyang qualifying tournament para sa Asian Basketball Confederation (ABC) na siyang tuntungan sa World Championships at Olimpiyada na siyang pangarap ng PBA.

Sinabi ni PBA Commissioner Noli Eala na kaila-ngan muna nilang magpresinta sa Board bago matapos ang linggong ito ng plano para sa pagbuo ng koponan na isasabak sa SEABA.

Magkakaroon ng Board Meeting sa Lunes kung saan dedesisyunan ang usaping ito.

Ayon kay National team coach Chot Reyes, kumpiyansa siyang magiging handa ang PBA para sa SEABA bagamat maiksing panahon na lamang ang paghahanda para sa torneong ito na nakatakda sa huling linggo ng Hunyo.

"The team who will be sent is ready by that time," ani Reyes na nagsabing mahahasa na ang kanyang National pool sa nalalapit na tatlong araw na pocket tournament na magsisimula sa Linggo kung saan mapapasabak sila sa Iran at Italian teams na susukat ng kalagayan ng kanilang kahandaan.

Mayroon pang isang pocket sa Mayo kung saan magpapadala ang Canada ng isang malakas na koponan na hahasa sa National training pool.

Ayon kay Reyes, maaari ding lumikha na lamang ng selection mula sa mga eliminated teams ng kasalukuyang PBA Fiesta Conference. (Ulat ni CVOchoa)

ASIAN BASKETBALL CONFEDERATION

AYON

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BOARD MEETING

BOARD MEMBERS

CHOT REYES

COMMISSIONER NOLI EALA

FIESTA CONFERENCE

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with