Eala rumampa sa Paris show

MANILA, Philippines — Matapos ang New York Fashion Week, dumayo naman si Alex Eala sa France para sa Paris Fashion Week matapos maimbitahan ng isang kilalang fashion brand.
Nasilayan si Eala sa Chanel Spring/Summer Season 27 sa Grand Palais exhibition space sa France.
Nanood si Eala ng fashion show ng mga gawa Eala rumampa sa Paris show ni Matthieu Blazy na tunay na hinangaan ng mga fashionista dahil sa ganda ng mga creations nito.
“I’m in awe; this is my very first show in Paris, my very first with Chanel. I don’t think that there could be a better first show,” ani Eala sa panayam ng Harper’s Bazaar Singapore.
Dahil nalilinya na sa fashion, bukas si Eala na magkaroon din ng sariling fashion look sa tuwing lalaban nito sa mga susunod na WTA tournaments.
Ginagawa ito ng ilang kilalang tennis stars gaya ni Naomi Osaka na agaw eksena sa tuwing lalabas ito ng court sa mga Grand Slam events.
Nagawa na rin ito ng ilan pang Grand Slam winners sa nakalipas na panahon gaya nina Hall of Famer Serena Williams at Mari Sharapova.
“I would definitely. I would if given the opportunity. I would love to wear that look on court,” ani Eala.
Ilan sa mga napansin ni Eala ang suot ni supermodel Anok Yai na isang itim na galaxy gown.
- Latest























