XI Nice International Open Individual Chess: Paragua,maagang umarangkada
August 4, 2004 | 12:00am
Maagang nagparamdam ang Southeast Asian Games double gold medalist na si Mark Paragua, nang pangunahan nito ang kampanya ng bansa sa XI Nice International Open Individual chess championships sa Grand Aston Hotel sa Nice, France.
Tinalo ng No.1 Pinoy chess player na si Paragua ang Woman FIDE Master na si Marina Martsy-novskaya para makisosyo sa 1st hanggang 62nd place na kinabibilangan ng mga kababayang sina bagong IM Yves Rañola, IM Ronald Bancod at NM Rolando Nolte na namayani din sa kani-kanilang asignatura.
Tinalo ni Rañola, na opisyal na nakuha ang IM norms sa katatapos na Cannes Open, kay Corrado Ficco ng France, habang iginupo ni Bancod si Andrea Murgia ng Italy at pinayuko ni Nolte si Arnaud Nekam-Tchassem ng France.
Samantala, hindi naman pinalad ang tatlo pang Pinoy na sina IM Joseph Sanchez, NM Rolly Martinez at candi-date master Roland Salvador.
Yumuko si Sanchez kay Julien Lamorelle ng France, pinaluhod ni FIDE Master Maurizio Brancaleoni ng France si Martinez at ginapi ni IM Milan MRDJA ng Croatia si Salvador.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended