Malaysia minasaker ng Nationals
April 15, 2004 | 12:00am
LUCENA CITY--Sinorpresa ng RP-Burlington Youth Team ang mas matatangkad na Malaysia 84-44 sa panimula ng 4th Southeast Asia Junior Basketball championship na ginaganap sa Quezon Convention Center dito.
Maagang nagparamdam ang Pinoy nang sa kaagahan ng laro ay agad rumatsada ito sa 25-7 sa harap ng nagbubunying kababayan.
Higit na nagbigay kasiyahan ang Nationals nang ang pinakamaliit pa sa team ang namuno sa mga Pinoy mula sa umpisa hanggang sa matapos ang laro.
Humakot si James Martinez ng 14 puntos habang nag-ambag naman ang kakampi niya sa San Beda Red Cubs na si JR Taganas ng 13 puntos at 13 rebounds.
Dalawa pang Youth ang nagtapos ng may double digit at ito ay sina Darryl Bautista at Dylan Ababou na may 12 at 10 puntos ayon sa pagkakasunod sa torneong suportado ng local government ng Quezon at Lucena City at itinataguyod ng Bur-lington Socks, Accelm YKL, Healthy Options, Molten, Absoulte Distilled Water, Cebuana Lhuillier, Lifan, at Philippines sports Commission.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended