^

PSN Palaro

Gilas silat sa Iran

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gilas silat sa Iran
Ang dunk ni Gilas star Kai Sotto laban sa Iran.
SBP Photo

MANILA, Philippines — Ang krusyal na turnovers sa fourth quarter ang nagresulta sa 72-85 kabiguan ng Gilas Pilipinas kontra Iran sa Window 5 ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers kahapon sa Karisma Arena sa Se­remban, Malaysia.

Bigo ang Nationals na maduplika ang nauna nilang 68-56 panalo sa mga Iranians noong Agosto 30.

Hindi rin nasundan ng tropa ni coach Tim Cone ang 97-58 paglampaso sa Syria noong Biyernes.

Laglag ang Gilas Pilipinas, nakagawa ng 19 turnovers, sa fourth place sa kanilang 5-5 record sa Group E, habang umangat ang Iran sa 6-4 kasunod ang Jordan (5-4).

Nagmula ang mga Iranians sa 67-84 pagkatalo sa Australia.

Dalawang tiket na lamang ang pag-aagawan para sa 2027 FIBA World Cup na idaraos sa Doha, Qatar.

Binuksan ng Gilas Pilipinas ang laro sa 10-5 bago nagising ang Iran at itinayo ang 27-17 bentahe patungo sa pagtatala ng isang 14-point lead, 36-22, mula sa layup ni Mohammad Jamshidi sa 7:04 minuto ng second period.

Sa likod ni naturalized player Bennie Boatwright, nakadikit ang Nationals sa halftime, 41-42, hanggang makalamang sa mga I­ra­nians sa 63-58 matapos ang three-point shot ni Dwight Ramos sa 1:30 minuto ng third quarter.

Huling umabante ang Gilas sa 67-66 sa 8:43 minuto ng fourth period mula sa tirada ni AJ Edu kasunod ang 14-0 atake ng Iran sa pagbandera ni Amini para makalayo sa 80-67 sa huling 2:16 minuto nito.

Matapos ang ilang krusyal na turnovers ay muling nakaiskor ang Gilas mula sa jump shot ni Sotto para sa 69-80 agwat sa huling 2:02 minuto ng laro.

Umiskor si Boatwright ng 18 points para sa Nationals, habang may 16,13 at 12 markers sina Ramos, Kai Sotto at Thompson, ayon sa pagkakasunod.

Bumanat si Amini ng 20 points sa panig ng mga Iranians.

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with