^

PSN Palaro

Diaz, Obiena saludo kay Eala

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Saludo sina Tokyo Olynmpics gold medalist Hidilyn Diaz ng weightlifting at dating world No. 2 EJ Obiena ng pole vault sa husay at galing ni tennis star Alex Eala.

Kaya naman todo ang papuri nina Diaz at Obiena sa tagumpay na nakakamit ni Eala.

Ipinagmamalaki ni Obiena si Eala sa tuwing nakakasama nito ang mga kaibigan nitong foreigners.

Nagsasanay si Obiena sa Greece kasama ang ilang mahuhusay na pole vaulters sa mundo.

“I brag about you to my friends. It’s like seeing someone in the sport that I actually love watching represent the country. It’s a story I tell to the people everywhere in the world, and that makes me proud,” ani Obiena.

Si Eala naman ay nagsanay sa Rafa Nadal A­c­a­demy sa Mallorca, Spain sapul noong 13-anyos pa lamang ito.

At naging maganda naman ang resulta ng kanyang naging desisyon dahil isa na ito sa mga hinaha­ngaan sa mundo ng tennis.

Magarbong tinapos ni Eala ang 2026 season tangan ang No. 15 spot sa world rankings.

Nakaka-relate rin si Diaz sa kuwento nina Obiena at Eala dahil ilang bansa rin ang napuntahan nito para mahasa ang kanyang kakayan.

Sumalang ito sa trai­ning camp kasama ang mahuhusay na Chinese coaches para maibigay ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympic Games noong 2021 sa Tokyo, Japan.

Kaya naman may payo si Diaz kay Eala.

Ipagpatuloy lamang nito ang kanyang pangarap dahil tiyak na maaabot nito ang tagumpay sa mga susunod na taon gaya ng inaasam nitong Grand Slam title.

“Patuloy ka lang sa pa­ngarap mo, Alex,” ani Diaz.

EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with