^

PSN Palaro

Tour Pilipinas nasa Sorsogona na

-
SORSOGON, Sorsogon -- Dumating na kahapon dito ang buong en-tourage ng Tour Pilipinas na hatid ng Air21 at ang lahat ay naghahanda na para sa pagsisimula ng karera sa Huwebes.

Kabilang sa masusing naghahanda para sa 17-stage, 21-days race na ito ay ang tatlong government teams na makikibahagi sa karerang ito sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Ang tatlong ahensiya ng gobyerno ay ang Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Interior and Local Government (DILG) at ang Department of Transportation and Communication (DOTC).

Ang BIR ay kakatawanin ng mga VAT Riders sa pangunguna ni team captain Felix Celeste, ang mga riders ng DILG na pinamumunuan ni Placido Valdez ay tatawaging Patrol 117 habang ang team ng DOTC ay kikilalaning Postmen na babanderahan ni Enrique Domingo.

Ang tatlong ito ang magdadala sa kanilang team patungo sa P1 million team prize na paglalabanan ng 12 teams kung saan kabilang ang mga dati nang teams na PLDT, Samsung at Tanduay at ang mga baguhang Purefoods, Dole Pineapple, Marsman-Drysdale, Mail & More, Metro Drug at ang Beer na Beer.

Ngayon pa lamang darating si Enrique kasama ang Rhum rider na si Arnel Quirimit, ang defending champion, Warren Davadilla at Dante Cagas na kagagaling lamang sa Japan kung saan sila’y nakibahagi sa Asian Cycling Championship na naging qualifying tournament para sa Athens Olympics sa Greece sa Agosto.

Inaasahang magiging malaking pakinabang at hindi makakasama kay Domingo, ang dating STAR carrier, ang biyaheng ito hindi lamang para pamunuan ang kanyang team kundi para na rin pigilan si Quirimit sa kanyang tangkang back-to-back title.(Ulat ni CVOchoa)

ARNEL QUIRIMIT

ASIAN CYCLING CHAMPIONSHIP

ATHENS OLYMPICS

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

DANTE CAGAS

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

DOLE PINEAPPLE

ENRIQUE DOMINGO

FELIX CELESTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with