^

PSN Palaro

PBA Gran Matador Fiesta Conference 3rd win kinamada ng Talk N Text

-
Sumandal ang Talk N Text kina import Randy Holcomb at Asi Taulava upang isulong ang 116-104 panalo laban sa FedEx Express upang manatili sa liderato ng PBA Gran Matador Fiesta Conference sa PhilSports Arena kagabi.

Buhat sa 91-90 pangunguna ng Express, umiskor si Holcomb ng dalawang three-point play para kumpletuhin ang kanyang 27 point performance sa eksplosibong 16-3 run tungo sa 112-94 bentahe ng Talk N Text papasok sa huling apat na minuto ng labanan.

Umiskor naman si Taulava ng pitong sunod na puntos upang iselyo ang kanyang 26-puntos na produksiyon na tuluyang nagpatahimik sa kampo ng FedEx.

Nanatili sa pamumuno ang Talk N Text matapos itala ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa gayon ding dami ng laro.

Nanguna rin sina Holcomb at Taulava sa rebounding department na dinomina ng Phone Pals, 58-44 sa kanilang 13 at 16, ayon sa pagka-kasunod.

Sa match-up ng magkapatid na rookie na si Ranidel at Yancy, nakaungos ang nakakabatang de Ocampo na may 19-puntos at 5-rebounds kumpara sa 10-puntos at walong rebounds ng kanyang nakakatandang kapatid.

Sa ikalawang laro, isang magandang pagbabalik ang handog ng San Miguel Beer kay Danny Seigle nang itala ng Beermen ang 95-82 panalo laban sa Barangay Ginebra.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng SMB, sa gayundin karaming laro.

Samantala, magp-patuloy ang aksiyon ngayon sa Araneta Coliseum para sa laban ng Purefoods (1-2) at Alaska (1-1) sa alas-4 ng hapon na susundan ng engk-wentro ng Sta. Lucia (0-2) at Coca-Cola (1-1) (Ulat ni Carmela Ochoa)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

ASI TAULAVA

BARANGAY GINEBRA

CARMELA OCHOA

DANNY SEIGLE

GRAN MATADOR FIESTA CONFERENCE

HOLCOMB

PHONE PALS

RANDY HOLCOMB

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with