Jimwell Torion hindi pa puwede- Eala
February 11, 2004 | 12:00am
Hindi pa dinidesisyunan ni Philippine Basketball Association Commissioner Noli Eala ang petisyon ng Red Bull na i-reinstate si Jimwell Torion para sa Fiesta Cup na magsisimula na sa Peb. 22.
"Its not yet time. In fact, we havent talked about it yet," ani Eala ukol sa apela ng Red Bull kamakailan lamang na bawiin ang pagkakasuspindi ni Torion sa kabuuan ng transition tournament dahil sa humanitarian reasons at dahil na rin sa pangangailangan nila ng point guard matapos nilang i-trade si Willie Miller sa Talk N Text na siyang ikinabutas ng kanilang backcourt.
"Anything is possible," sabi ni Eala. "But its too early to hand down a reconsideration."
Nasuspindi noong nakaraang taon si Torion dahil sa isang flagrant foul kay Talk N Text guard Jimmy Alapag, na nabasagan ng buto sa ilong kayat kinailangan nito ng operasyon.
Bukod sa P70,000 fine, hindi makakasahod si Torion ng walong buwan na tinatayang aabot sa P2 milyon kaya ito umapela na pagaanin ang parusa.
Sinabi naman ni Alapag na hindi siya magrereklamo kung ire-reinstate na si Torion.
"I wont have any problems if I see him on the court soon," wika ng Rookie of the Year award winner. "He hasnt apologized to me personally yet, but Ive read about his remorse all over the papers and Ive already forgiven him."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended