^

PSN Palaro

World title tangkang agawin ni Joma

-
Sisikapin ng dating World Boxing Association minimumweight cham-pion Joma Gamboa na mabigyan ang Philippines ng ikalawang world championship belt sa kanyang nakatakdang pakikipagsagupa sa hardhiting Mexican Jorge Arce para sa World Boxing Council light flyweight crown sa 8,000 seat Centro De Exposiciones Bansames sa Mexico City ngayong umaga (Manila time).

Ang panalo ni Gamboa ang magiging ikalawang world title ng bansa kasama ang International Boxing Federation junior featherweight king Manny Pacquiao na kanyang makuha matapos na igupo ang legendary featherweight na si Marco Antonio Barrera.

Ayon sa manager ni Gamboa na kilalang Japanese journalist na si Joe Koizumi na ang 30-anyos na fighter ay nasa magandang kundisyon at gagawin nito ang lahat ng kanyang makakaya upang mapagwagian ang korona.

Huling napanalunan ni Gamboa ang WBC minimumweight title sa pamamagitan ng split decision kontra Venezuelan na si Noel Arambulet noong Aug. 20, 2000 sa Tokyo makaraang matanggalan ng korona si Arambulet matapos na mabigong makatugon sa tamang timbang.

Sinabi pa ni Koizumi na sina Gamboa at Arce, iniulat na kapwa lampas ng apat na pounds ay walang naging problema sa kanilang weigh-in noong nakaraang Miyerkules sa ginanap na opisyal na pagtitimbang.

Si Gamboa ay sumapat lamang sa itinakdang timbang na 108lbs, ha-bang si Arce ay 107lbs., ang bigat.

Ayon pa sa Japanese manager ni Gamboa na kasalukuyang humaha-wak rin kina OPBF super featherweight champion at world title contender Randy Suico na ibig ni Gamboa ng maagang knockout kung siya ay mabibigyan ng pagkakataon, ngunit kung sakaling siya ay mabibigo, ito ay tuluyan ng magreretiro.

Gayunpaman, si Gamboa ay nakapag-ispar na sa Mexico simula ng siya ay dumating dito noon pang isang linggo.

AYON

CENTRO DE EXPOSICIONES BANSAMES

GAMBOA

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

JOE KOIZUMI

JOMA GAMBOA

MARCO ANTONIO BARRERA

MEXICAN JORGE ARCE

MEXICO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with