^

PSN Palaro

Gonzales,bumandera sa Fash

-
Sa pagkakataong ito, sinikap ng Fash Liquid Detergent na di makawala ang panalo nang maglatag ng mahigpit na depensa sa huling maiinit na bahagi ng laro upang itakas ang 76-73 panalo kontra sa ICTSI-La Salle upang ilapit ang kanilang kampanya sa pinto ng semifinal round ng PBL Platinum Cup sa UST Gym.

At laking pasasalamat ng Liquid Power sa probound na si Wesley Gonzales, na nakatakdang sumali sa PBA Rookie Draft sa Jan. 16 nang siya ay manalasa ng husto sa extra limang minuto nang magpasabog ng 9 mula sa kinamadang 13 puntos ng koponan upang trangkuhan ang Liquid Power sa isang panalo na lamang upang tuluyang isubi ang huling semis slot.

Hindi lang naipaghiganti ng Liquid Power ang masaklap nilang 66-68 pagkatalo sa overtime sa mga kamay ng Archers nang una silang magharap sa kumperensiyang ito, ang pinaka-importante rito ay ang makaseguro sila ng playoff para sa ikaapat at huling semis slot kahit na sila ay matalo pa sa Viva-FEU sa Sabado.

Ngunit kung mabibigo ang Fash na igupo ang Viva-FEU at talunin na-man ng Montana Pawnshop ang Welcoat bukas, ang dalawang koponan ay muling maghaharap para sa playoff sa Linggo.

Pero kung ang Liquid Power ay mananalo, tapos na ang usapin sa semis cast at makakas-ma na nila ang mga semifinalists nang Welcoat, Sunkist-UST at Blu Star sa double-round semis na magsisimula sa susunod na linggo.

vuukle comment

BLU STAR

FASH LIQUID DETERGENT

JAN

LA SALLE

LINGGO

LIQUID POWER

MONTANA PAWNSHOP

PLATINUM CUP

WELCOAT

WESLEY GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with