^

PSN Palaro

Nationals magpapagalingan sa PBT All Star

-
Inaasahang magiging mahigpit ang labanan ngayong araw ng mga mahuhusay na badminton players ng bansa sa Valle Verde Country Club sa final day ng eliminations ng PBT All-Star Invitational.

Kailangang bumangon ng Ian Piencenaves’ Hawk Shuttlers sa kanilang dala-wang sunod na kabiguan upang maiwasan ang ma-agang pagkakasibak sa tournament sa kanilang pagsagupa sa Ducks Defen-ders na pangungunahan ni Bogs Amahit.

Kung sakaling manalo ang Hawks, magkakaroon ng three-way tie at ito ay hahatiin sa pamamagitan ng bilang ng mga laban, sets o points na naipanalo.

At dahil sa walang sinumang koponan na basta na lamang bibigay, inaasahang magtatagisan ng lakas sina Piencenaves at Amahit sa men’s singles match sa alas-5 ng hapon.

Si Piencenaves ang siyang pinakamahusay na manlalaro ng bansa nang kanyang mapanatili ang men’s singles title sa katatapos pa lamang na Philippine Open, habang umaasa naman si Amahit na maipaghiganti ang kanyang kabiguan sa semifinals sa mga kamay ni Piencenaves.

Sa iba pang laban, makakasagupa ng Eagle Smashers ang Feather Whackers para sa isang slot sa semis. Ang Eagles ay sasandal kay Lloyd Escoses.

Inaasahan rin na magi-ging mahigpitan rin ang sagupaan para sa women’s team ng tournament na ito na sponsored ng Sportshouse, PLDT Vibe at Yonex.

vuukle comment

ALL-STAR INVITATIONAL

AMAHIT

ANG EAGLES

BOGS AMAHIT

DUCKS DEFEN

EAGLE SMASHERS

FEATHER WHACKERS

HAWK SHUTTLERS

IAN PIENCENAVES

LLOYD ESCOSES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with