1-2-3 sa Pangasinense riders
May 5, 2003 | 12:00am
DAGUPAN CITY Hindi ipinahiya ng mga Pangasinan Riders ang kanilang mga kababayan nang magtala ng 1-2-3 finish sina Felix Celeste ng VAT Riders, Danny Ganigan ng Samsung at Reynaldo Navarro ng Postmen habang nanatiling namamayagpag si Merculio Ramos ng Samsung na siya pa ring overall leader.
Nagbigay ng lakas kay Celeste ang pagsalubong sa kanya ng kanyang asawang si Jocelyn, dalawang anak na sina Kevin at Kaira sa bahagi ng Sual upang pamunuan ang Olongapo to Dagupan lap kahapon, ang pinakamahabang yugto ng 15-stage,18-days race na ito na hartid ng Air21.
Hinabol ni Celeste, tubong Urdaneta, Pangasinan, si Ganigan, tubong Binalonan patungo sa huling 50 kilometro ng labanan at inunahan niya ito sa remate papasok ng finish line para tapusin ang 247.6 kilometro sa tiyempong limang oras, 43 minuto at 15 segundo.
"Medyo groggy na ako dun sa may Mabini pero nakita ko yung pamilya ko sa may Sual, napaiyak ako," wika ng 32 gulang na si Celeste na ngayon lamang nakita ang kanyang mag-iina sapul nang magsimula ang karera.
Si Celeste, umabot lamang ng hanggang fourth place sa tumiklop na Marlboro Tour noong 1991, ay naninirahan na ngayon sa Italy kasama ang kanyang pamilya ngunit bumalik lamang dito sa bansa para kumarera.
Kasama sina Ramos at Querimit sa 16 siklistang tumawid ng finish line na nauna ng mahigit 14 minuto kay Querimit sa oras na 28:53.42 matapos ang walong stage.
Nalaglag sa ikawalong puwesto si Placido mula sa second place habang nasibak naman sa top 10 overall si Luzon na ngayon ay nasa ika-12th puwesto mula sa fourth overall.
Gumanda naman ang standings nina Enrique Domingo ng Postmen, Rhyan Tanguilig ng Pagcor at Warren Davadilla ng Intel na umakyat sa No. 3.4.5 mula sa fifth, sixth at seventh place, ayon sa pagkakasunod.
Top 15 Overall Individual Standings
1. Ramos 28:53.42
2. Querimit 28:56.24
3. Domingo 28:59.19
4. Tanguilig 29:01.47
5. Davadilla 29:03.23
6. Millanes 29:09.53
7. Marcelo 29:10.05
8. Valdez 29:10.14
9. Atilano 29:10.05
10. Reynante 29:11.53
11. Dolosa 29:11.53
12. Luzon 29:12.01
13. Barnachea 29:12.36
14. Gorrantes 29:12.55
15. Alagano 29:14.48
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended



















