DLSU nakatakas sa UST
February 2, 2003 | 12:00am
Natakasan ng De La Salle University ang mahigpit na hamon ng defending champion University of Santo Tomas, 2-1 upang ipuwersa ang rubber match para sa mens title ng Universities Athletic Association of the Philippines (UAAP) tennis tournament sa Rizal Sports Center outdoor courts sa Pasig City.
Ang do-or-die match ay gaganapin sa Linggo (Feb. 9) sa alas-12:00 ng tanghali.
Iniligtas ni Nico Faller ang Taft-based squad nang kanyang ipanalo ang deciding singles laban kay Art Philip Calingasan, 6-1, 6-1.
Ang Green Netters ni Roland Kraut ay nakauna sa 1-0 pamumuno matapos ang panalo ni national junior champion Yannik Guba kontra kay Pius Ocampo sa unang mens singles, 6-0. 6-1.
Ngunit nakatabla ang Growling Tigers ni coach Karl Santamaria, sa 1-1 nang igupo nina Maclean Barraquias at Art Thomas Calingasan ang tambalan nina Andre Cruz at Gino Almario, 6-4, 6-2 sa doubles.
Sa iba pang laro, blinangko naman ng University of the Philippines ang Ateneo de Manila, 3-0 para sa konsolasyong ikatlong puwesto.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended