Sino ang tatanghaling 'Coach of the Year'?
January 1, 2003 | 12:00am
Idaraos ang 2002 Samsung-PBA Press Corps Awards Night na co-presented ng San Miguel Beer at Barangay Ginebra sa Jan. 4 simula sa alas-8 ng gabi sa Tropics Room ng Bayview Hotel sa Roxas Blvd.
Maglalaban-laban para sa Coach of the Year award ang champion coaches na sina Ryan Gregorio ng Purefoods, Yeng Guiao ng Red Bull at Chot Reyes ng Coca-Cola at Tim Cone na gumiya sa Alaska Aces sa kanilang dalawang championship stints sa season.
Si Guiao ay kakampanya para sa kanyang back-to-back Coach of the Year honors. Sina Reyes at Cone ay kapwa mayroong tsansa na manalo ng nasabing award para sa ikalawang pagkakataon matapos noong 1994 at 1997, ayon sa pagkakasunod, habang si Gregorio ay maaaring maging record winning ng Baby Dalupan Trophy nang kanyang trangkuhan ang kanyang koponan bilang interim basis.
Dinomina ni Gregorio at ng kanyang Purefoods Hotdogs ang Governors Cup, nanguna naman si Guiao at ang kanyang Thunder sa Commissioners Cup at si Reyes at ang Tigers naman ang nagwagi sa All-Filipino, habang si Cone at ang Aces ang siyang napasabak sa finals ng first at third conference.
Panauhing pandangal ang outgoing PBA commissioner na si Jun Bernardino bilang guest of honor, habang ang incoming commissioner na si Noli Eala ang siyang guest speaker sa nasabing ceremonies kung saan pararangalan ng PBA Press Corps ang mga PBA personalities na nagpamalas ng kahusayan sa kani-kanilang koponan sa season.
Lumaro si Ronnie Magsanoc, na kababalik lamang mula sa semi-retirement ng mahalagang papel sa kampanya ng Purefoods sa Governors Cup ang siyang napipiling manalo bilang Comeback Player of the Year.
Nominado naman sina Red Bull team owner George Chua at RFM Corp., top honcho Joey Concepcion para sa Executive of the Year award.
Maglalaban-laban naman sina Ato Morano ng Coca-cola, Roger Yap ng Purefoods, Kenny Evans ng Talk N Text at Gerard Francisco ng Sta. Lucia para sa Mr. Quality Minutes diadem, habang pag-aagawan naman nina Davonn Harp ng Red Bull, Rob Duat ng Alaska, Chris Jackson ng Shell, Junthy Valenzuela ng Red Bull at Rey Evangelista ng Purefoods ang Defensive Player of the Year trophy.
Kandidato naman sina dating awardee Ogie Bernarte, Mario Montiel at Aldava para sa Referee of the Year.
Pagkakalooban naman si Ernie de Leon ng special award at siya ay iluluklok na para sa Hall of Fame dahil sa kanyang pagwawagi ng Referee of the Year honors sa record na anim na sunod.
Bibigyan naman ng plaque of recognition sina Elmer Yanga at Cecilio Pedro ng Lamoiyan Group of Companies dahil sa kanilang suportang ibinigay sa Press Corps.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended