^

PSN Palaro

Pumaren, coach pa rin ng FedEx

-
Mananatili pa ring coach ng FedEx Express si Derek Pumaren para sa 2003 season ng Philippine Basketball Association na magbubukas sa Pebrero.

Matagal nang napapabalitang papalitan na ang Express mentor, ngunit nagdesisyon ang management na panatilihin ito sa kanyang posis-yon.

Hindi pumayag ang FedEx, ang nakamana ng prangkisa ng Tanduay Gold, na I-buy-out ang kontrata ni Pumaren.

May natitira pang isang taon sa tatlong taong kontrata ni Pumaren na nagsimula pa sa Rhummasters.

Dahil dito, napurnada ang pagpo-pro ng premyadong amateur coach na si Junel Baculi at ni Boni Garcia na matagal nang napipisil ng Express.

Mananatili ding coach ng Talk ‘N Text Phone Pals si Paul Woolpert na binigyan naman ng isa pang conference.

Samantala, hindi pa naman nakakapirma ng kontrata si coach Norman Black sa Sta. Lucia Realty.

Hindi pa nagkakausap si Black at ang team manager na si Buddy Encarnado makaraang mapaso ang kontrata ng mentor.

Ngunit may balitang nais umanong palitan ng Realtors si Black at posibleng ipalit ang kanyang assistant at matalik na kaibigan na si Alfrancis Chua. (Ulat ni Carmela Ochoa)

ALFRANCIS CHUA

BONI GARCIA

BUDDY ENCARNADO

CARMELA OCHOA

DEREK PUMAREN

JUNEL BACULI

LUCIA REALTY

MANANATILI

N TEXT PHONE PALS

NORMAN BLACK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with