^

PSN Palaro

Asiado, nanguna sa elims ng Bulacan Criterium

-
MEYCAUAYAN, Bulacan -- Pinangunahan ng 19-anyos na si Gerald Asiado, tubong Meycauayan, Bulacan ang elimination na ginanap noong nakaraang Linggo sa Meycauayan Commercial Center.

Tinawid ni Asiado ang 60-kilometrong Criterium race na inorganisa ng PACA Meycauayan Bulacan Cycling Chapter sa tiyempong 1:34:15 segundo, habang pumangalawa si Marlou Decena na may 1:34:54 na sinundan ni Arman Bernardino na may 1:35:56.

Ang mga nanalong siklista ay nakatakdang sumabak sa National Open Cycling Championship na gaganapin sa ikalawang linggo ng Abril.

Ang naturang karera ay sinimulan ng bandang alas-9 ng umaga sa harapan ng Meycauayan Commercial Complex at walang iba kundi si Hon. Mayor Eduardo Alarilla ang siyang nagpaputok ng baril kasama si Lydia de Vega-Mercado sa isang simpleng sermonyas na dinaluhan ni PACA secretary general Armando Bautista.

Samantala, nakatakda ang susunod na elimination sa Marso 10 sa Davao City at ang mga sasali ay maaaring makipag-ugnayan kay PACA Davao Commissioner Jun Pahulio.

ARMAN BERNARDINO

ARMANDO BAUTISTA

BULACAN

DAVAO CITY

DAVAO COMMISSIONER JUN PAHULIO

GERALD ASIADO

MARLOU DECENA

MAYOR EDUARDO ALARILLA

MEYCAUAYAN BULACAN CYCLING CHAPTER

MEYCAUAYAN COMMERCIAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with